Tuesday, May 27, 2014

Church of the Nativity sa Bethlehem, nasunog

NASUNOG ang Church of the Nativity sa Bethlehem, ilang oras lang matapos ang Holy Land trip ni Pope Francis.


Sinabi ni Bethlehem Governor Abdel-Fatah Hamayel na aksidente ang sunog na nagmula sa nalaglag na oil lamp.


Kaugnay nito, nasira ang ilang fabric wall sa grotto.


Natuklasan ang sunog madaling-araw na matapos makaamoy ng usok ang guwardiya.


Dalawang ornate icons ng Birheng Maria na hawak si Hesu Kristo ang nasira.


Ayon sa gobernador, matagal na nilang paalala na patayin ang oil lamps at kandila kapag nagsasara na ang simbahan tuwing alas-6:00 ng hapon dahil ilang insidente na aniya ng sunog ang nangyari sa Church of the Nativity.


Napag-alaman na noong Linggo ay dinalaw ni Pope Francis ang nasabing simbahan.


Ang 4th-century basilica ay ang lugar kung saan isinilang ng Birheng Maria si HesuKristo.


The post Church of the Nativity sa Bethlehem, nasunog appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Church of the Nativity sa Bethlehem, nasunog


No comments:

Post a Comment