Tuesday, May 27, 2014

4 barangay sa Pangasinan, apektado ng neap tide

HALOS 250 ektarya ng palaisdaan sa San Carlos ang minomonitor ng City Agriculture Office ng siyudad dahil sa nararanasang paglutang ng mga isdang bangus.


Apat na barangay sa lungsod ang nakararanas ng neap tide kaya nangangamba ang mga fishpen owners at operators na maging dahilan ito ng pagkalugi at mauwi sa fishkill.


Bunsod ito sa pabago-bagong panahon at pagbaba ng oxygen level sa ilalim ng tubig kaya nagsisipaglutangan ang mga isda.


Hindi naman makapagsagawa ng force harvest ang mga mangingisda doon dahil maliliit pa ang mga isdang bangus at hindi pa maaaring ibenta sa merkado.


Napag-alamang aabot sa mahigit isandaang piraso ng bangus ang isang kilo nito na nangangahulugang masyado pang maliliit ang mga ito.


Maalala na ilang bayan sa western Pangasinan ang nakararanas ngayon ng fishkill dahilan upang magsagawa ng force harvest ang mga fishpen owner doon.


The post 4 barangay sa Pangasinan, apektado ng neap tide appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



4 barangay sa Pangasinan, apektado ng neap tide


No comments:

Post a Comment