NAGMATIGAS si Laguna Gov. ER Ejercito na hindi niya susundin ang kautusan ng COMELEC na nagpapababa sa kanya sa pwesto.
Ito ang kauna-unahang personal na pagsasalita ni Ejercito tungkol sa isyu, matapos sabihin ng COMELEC na dapat nang ipatupad ang kanilang ruling.
Matatandaang napatalsik ang actor-politician dahil sa paggastos nang labag sa Fair Elections Act.
Giit ni Ejercito, may nakabinbin pa silang apela sa korte kaya hindi pa maaaring ipatupad ang pagpapaalis sa kanya sa tungkulin.
“Ako po ay mananatiling gobernador ng lalawigan ng Laguna,” wika ni Ejercito.
Nitong Martes ay nanumpa na si Vice Gov. Ramil Hernandez sa COMELEC bilang kapalit ng napatalsik na gobernador.
The post Ako ang gob ng Laguna – ER Ejercito appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment