NANANATILING tahimik ang singer na si Sheryn Regis sa pasabog ng ex-lover niya at businesswoman na si Emy Madrigal. Paano naman kasi niya mapapasinungalingan ang mga akusasyon sa kanya ni Emy na mismong lover niya at sandamakmak na ebidensyang meron siya?
The best thing to do na mga marahil para sa kanya ay dedmahin ang isyu. Unless, gusto niyang ilabas na rin ang tunay niyang pagkatao dahil hirap na rin siyang itago, ‘di ba?
Kinuwento sa amin ni Emy kung paano manghingi ng gadgets sa kanya si Sheryn.
Napaka-demanding pa raw ni Sheryn dahil gusto nito agad-agad ibigay ni Emy sa kanya ang gadget. Dahil d’yan, natuto tuloy si Emy ng mga bagay-bagay how to send a package.
Pati ang pamangkin ni Emy na nag-aaral sa US ay uutusan niya kahit sa alanganing oras para mapadala agad kay Sheryn ang gadget. Sa sobrang kabisihan and most of the time ay nasa malayong lugar si Emy because of her business kaya inutusan niya ang kanyang pamangkin.
And yet, si Sheryn pa ang nagdududa sa kanya na kini-kyeme lang daw na may pinadala na si Emy sa kanya pero wala naman. Samantalang, isang tawag lang ni Sheryn kay Emy ay oo agad ang businesswoman, huh?
Kung alam lang daw ni Sheryn, plano pa siyang bilhan ni Emy ng sariling bahay sa US. Pero dahil hindi na nga siya nagparamdam kay Emy ng ilang buwan at umabot sa hiwalayan kaya waley na ang bahay. Ganoon ka-intense ang pagmamahal ni Emy kay Sheryn.
“Noon ‘yun. Pero ngayon wala na (pagmamahal niya kay Sheryn),” diin ni Emy.
-ooOoo-
NGAYON pa lang ay binabati na namin ang organizers ng kauna-unahang Miss Teen Earth and Little Miss Earth Philippines headed by Vas Bizmark ng Captured Dreams and Runway Productions. Sobrang bongga ng pageant nila from the launch hanggang sa big night sa SM Mall of Asia Arena last May 27.
Ayon sa head PR ng Captured Dream at aktor na si Icy Mendoza, sobrang happy daw sila sa pumasok na 20 grand finalists. “Actually, everyone in the team sobrang stress. Para ako’ng nag-taping ng buong isang linggo. Nag-beg off muna ako sa taping ng “Confessions of a Torpe” para makapag-focus ako rito. One week lang naman but after this, I’ll do something naman for GMA7. Malapit na rin ‘yun, sa June na kaya sakto lang. Kaya ang oras ko talaga ngayon nauubos for PR work. Six months na ang naibigay ko sa pageant. Ano naman, sulit naman,” nakangiting pahayag ni Icy.
Happy daw sila sa pagtanggap ng public sa pageant nila at ‘yung suportang binigay sa kanila ng GMA7. “Hindi talaga matatawaran kasi ngayon visible na ang mga plug namin sa TV pati na social media niya and with you guys, sobrang maingay na talaga siya. And we’re hoping for the best sa pageant night at hindi man sobrang punung-puno, but at least, nagpakilala na kami at marami pa’ng gagawin,” sabi ni Icy.
Naka-kontrata na raw ang 40 grand finalists sa Captured Dream kaya tuluy-tuloy na raw ang career ng mga bata hanggang modeling and showbiz kung gusto nila. “We are talking now kasi with GMA Artist Center pero with the girls ang managerial contract nila sa amin. But ang inaano namin sa kanila is more on modeling, e, and be a beauty queen. Ang iba kasi sa kanila gusto lahat, e. Sabi namin sa kanila, isa lang muna, haha!”
Suportado rin sila ng PLDT Home Telpad kaya during the finals night, may isang candidate ang mapipili para sa PLDT Home Telpad Choice Award. At lahat ng mananalo ay mag-uuwi ng PLDT Home telpad. Taray ‘di ba?
Ang mga beauty queen naman na sina Shamcey Supsup-Lee, Patricia Fernandez, Gwendoline Ruais at ang aktres na si Carla Abellana ang host ng star-studded affair.
The post Waley na ang balay dahil hindi na nagpaparamdam! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment