Tuesday, May 27, 2014

Hamon ni Baligod kay Napoles: ‘Red ilantad’

HINAMON ni Atty. Levito Baligod ang kampo ni Janet Lim-Napoles na ilabas ang sinasabing “red book” na naglalaman ng detalyadong transaksyon sa mga sangkot sa pork barrel fund scam.


Ayon kay Baligod, noon pa nila alam ang naturang libro dahil sa impormasyong isiniwalat ng whistleblower na si Benhur Luy.


Naniniwala ang abogado na kung nais ng Department of Justice (DoJ), Ombudsman at maging ng Senate leadership na malaman ang kabuuan ng kaso ay pagsikapang hanapin at i-subpoena ang lahat ng dokumentong maaaring makatulong sa isyu.


Magugunitang una nang hiningi ng Senado ang kopya ng Napoles list at expanded affidavit sa DoJ na agad din naman nilang isinapubliko.


Aminado naman si Baligod na hindi pa niya nakita ang nilalaman ng naturang red book ngunit may impormasyon siya ukol dito.


Sinasabi ng impormante ni Baligod na tuwing naglalabas ng pera o nakikipagtransaksyon ang binansagang pork barrel scam queen ay nagtatala ito ng ilang record sa kanyang listahan.


Samantala, duda naman ang kampo ni Luy na nagmula lamang sa memorya ni Napoles ang mga inilagay nito sa affidavit na ibinigay sa DoJ.


Sinabi ni Atty. Raji Mendoza na hindi na lamang nila ilalahad ang kanilang mga plano ukol sa kaso ngunit nananatili silang nakaabang sa anumang hakbang ng panig ni Napoles.


The post Hamon ni Baligod kay Napoles: ‘Red ilantad’ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Hamon ni Baligod kay Napoles: ‘Red ilantad’


No comments:

Post a Comment