NAPILI ang isang iskultor na Muslim para umukit ng wealnut chair na gagamitin ni Pope Francis sa kanyang misa sa Sarajevo, Bosnia.
Matapos mabalitaan ang pagkakapili sa kanya, labis ang pasasalamat ni wood carver-sculptor Edin Hajderovac na bihasa sa paggawa ng religious objects at ornaments.
Masaya namang sinabi ni Bosnian Priest Miro Belsic na mabuti ang magagawa ng upuan dahil pinagsama nito ang mga Muslim at mga Katoliko.
Gayunman, pinagbabawalan ng simbahan ang 33 taong gulang na iskultor na ipakita sa media habang ginagawa ang naturang silya. Johnny Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment