Sunday, April 5, 2015

Mag-ama, family driver minasaker sa Masbate

INIIMBESTIGAHAN na ang naganap na pagpatay sa isang mag-ama at driver nito sa Masbate kahapon, Linggo ng Pagkabuhay.


Ang mga biktima ay una nang kinilala na sina Jesus “Ka Isong” Amaro, negosyante, at ang anak nitong si Gilbert, at ang kanilang family driver.


Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, madaling-araw nang pasukin ng nagpakilalang mga tauhan ng CIDG ang bahay ng biktima at agad na hinanap ang kuwarto ng may-ari ng bahay sa bahagi ng Barangay Luy-a, bayan ng Aroroy.


Unang napasok ng mga suspek ang kuwarto ng anak nito na agad itong pinagbabaril hanggang sa mapatay.


Sunod na napasok ang kuwarto ni Jesus at pinagbabaril din.


Napatay din ang family driver ng mga ito habang nakaligtas naman ang ilan pa sa mga katiwala nitong nasa bahay din ng mangyari ang pamamaslang.


Maliban sa pagpatay, tinangay pa ng mga suspek ang mga bag laman ang pinaniniwalaang mga ginto ng mga biktima.


Maging ang runaway vehicle na ginamit ng mga suspek sa pagtakas ay pagmamay-ari rin ng pamilya ng negosyante.


Napag-alaman na ang pamilya ay may-ari ng isang planta na nagpo-proseso ng ginto sa lalawigan. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Mag-ama, family driver minasaker sa Masbate


No comments:

Post a Comment