Sunday, April 5, 2015

Rating ni PNoy lalong sumadsad

LALO pang sumadsad ang public satisfaction ratings ni Pangulong Benigno Aquino III mula nang maupo sa puwesto.


Sa March 2015 survey ng Social Weather Stations (SWS), unang inilabas sa Business World, bumagsak sa 11 porsiyento ang satisfaction rating ni PNoy mula sa 39% noong Disyembre 2014.


Katumbas ito ng 28 puntos na tapyas at pagbaba ng ratings mula “good” patungong “moderate” category.


Gayunman, lumabas din sa pag-aaral na marami pa ring tutol na bumaba sa puwesto ang Pangulo.


Umaabot ito sa 50% na “disagree” laban sa 32% na “agree” at 18% na “undecided” sa panukalang mag-resign ang Pangulo.


Isinagawa ang survey noong Marso 20-23, 2015 sa 1,200 respondents. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Rating ni PNoy lalong sumadsad


No comments:

Post a Comment