PAGUDPUD, ILOCOS NORTE – Dalawang menor-de-edad ang inaresto sa pagpaslang sa isang head teacher sa Pagudpud, Ilocos Norte.
Kinilala ang mga suspek na sina James, 3rd year high school at Mark, 16, out-of-school youth.
Nabatid na Huwebes, Enero 22 nang natagpuang patay si Alejandro Malapit, head teacher ng Burayoc Elementary School.
Napag-alaman na pinukpok sa ulo ang biktima gamit ang matigas na kahoy sanhi ng kanyang pagkamatay.
Sa imbestigasyon, namataan ng isang kamag-anak ni Malapit ang kanyang nawawalang motosiklo sa mga suspek sa bayan ng Burgos na agad niyang ipinaalam sa police kaya naharang sa checkpoint ang mga ito.
Nang kapkapan, nakita sa mga salarin ang bag ng biktima laman ang cell phone, identification card, pera, sunglass at mga alahas habang narekober naman ang laptop computer nito sa bahay ng isa sa suspek. ALLAN BERGONIA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment