Sunday, January 25, 2015

MRT balik sa 60kph ang takbo

SINISIKAP ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na ibalik sa 60 kilometers per hour ang takbo ng Metro Rail Transit (MRT) sa huling bahagi ng taong 2015.


Ayon kay Transportation Secretary Jun Abaya, ang pagbabalik sa takbo ay dahil sa inaasahang masisimulan na ang pagsasaayos ng mass transit partikular ang kanilang signaling system.


Kasalukuyang tumatakbo sa 40 kilometers per hour ang MRT makaraang masangkot sa aksidente noong isang taon, nang nawalan ito ng preno na ikinasugat ng marami.


Pangako pa ng kalihim, kapag walang naging aberya sa kanilang planong rehabilitation program sa MRT, asahan nang mararamdaman ng mga pasahero ang mga pagbabago sa serbisyo ng naturang mass transit. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



MRT balik sa 60kph ang takbo


No comments:

Post a Comment