Sunday, January 25, 2015

“Belly Gud for Health” challenge inilunsad ng DoH-MIMAROPA

NAIS matiyak ng Department of Health – MIMAROPA na mapanatiling physically fit at malusog ang kanilang mga empleyado sa rehiyon at mabawasan ang mga kaso ng over-nutrition tulad ng pagiging overweight at obesity sa mga personnel nito.


Bunsod nito, inilunsad ng DOH-MIMAROPA, sa pangunguna ni Regional Director Eduardo Janairo, ang kanilang “Belly Gud for Health (BG for Health) 2015 Challenge.”


Ayon kay Janairo, dahil sa mahabang bakasyon sa mga nakalipas na linggo ay marami sa kanilang mga empleyado ang naengganyong kumain ng marami, lalo na noong nakalipas na holiday season.


Bukod pa rito ang pagkalantad ng mga empleyado sa mga fast food na hindi maganda sa kalusugan.


Ipinaliwanag ni Janairo na kailangang maalis ang labis na taba sa ating mga beywang sa pamamagitan ng tamang diet at regular na ehersisyo para makaiwas sa mga cardiovascular diseases.


Ang mga kalahok sa programa ay sasailalim sa healthy diet, nutrition at physical activity interventions alinsunod sa kanilang preference, schedule at convenience.


Hihikayatin rin silang sumailalim sa mga ehergisyo tulad ng jogging, aerobics at isometric exercises.


Magsasagawa rin ng monthly monitoring at pagtatala ng waist circumference ng mga participants.


Sinabi ni Janairo na bukod sa magiging physically fit at malusog, pagkakalooban rin ng incentives ng DOH-MIMAROPA ang kanilang empleyado na may pinakamalaking pagbaba ng timbang o nagtagumpay na mapanatili ang kanilang

desirable waist circumference matapos ang anim na buwan na hamon.


May 250 participants ang lumahok sa weight loss challenge kabilang na ang mga director, program managers, technical staff at rank and file employees ng DOH-MIMAROPA.


Tiniyak naman ni Janairo na palalagigin nila ang programa sa mga government agencies sa rehiyon kabilang na ang local government offices para sa promosyon ng healthy lifestyle at pag-iwas sa non-communicable diseases sa government employees. Macs Borja


.. Continue: Remate.ph (source)



“Belly Gud for Health” challenge inilunsad ng DoH-MIMAROPA


No comments:

Post a Comment