Sunday, January 25, 2015

Soliman pinagbibitiw ng ilang mambabatas

PINAGBIBITIW sa puwesto ng ilang mambabatas si Social Welfare and Development Sec. Dinky Soliman dahil sa pekeng malasakit sa mga batang palaboy na itinago sa isang resort sa Nasugbu, Batangas sa kasagsagan ng Papal visit.


Ayon kay Gabriela partylist Rep. Emy De Jesus mali rin na gamitin ng DSWD ang pondo ng Conditional Cash Transfer (CCT) program para sa “family camp.”


Kailangang iditalye at ipaliwanag aniya ni Soliman ang pondong ginagamit para sa family camp ng mga mahihirap na pamilya sa Chateau Royale Resort sa Papal visit gayun na rin ang pagtatago sa mga street children sa Island Cove, Cavite noong bumisita si President Barack Obama sa Pilipinas noong 2013.


Pinabubusisi na rin sa Commission on Audit kung saan kinuha ni Soliman ang perang ginamit para itago ang mga batang palaboy dahil hindi pwedeng gamitin ang pera ng CCT para sa programa.


Sinabi naman ng grupong Bayan na kahit anong gawing paliwanag ng DSWD sa family camp ay hindi pa rin nila maitatago ang katotohanang isinabay ito sa Papal visit.


Kaugnay sa nasabing isyu, ngayon pa lamang, kailangan na rin magbigay ng pahayag si Soliman kung magkakaroon din ng Family camp. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Soliman pinagbibitiw ng ilang mambabatas


No comments:

Post a Comment