INAALAM na ng mga awtoridad kung anong grupo ang responsable sa pagdukot sa isang Korean national sa Barangay Surabay sa bayan ng RT Lim, Zamboanga Sibugay.
Kinilala ang biktima na si Nou Sung Hong, 72, negosyante at nakatira sa naturang lugar.
Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), bigla na lamang pinasok ng 10 armadong lalaki ang bahay ng biktima alas-9:30 kagabi at tinali ang mga kamay nito.
Maliban sa matandang negosyante, tinali rin ang mga kamay ng misis nito na si Hong Nwiseong Lee, ang kanilang anak na si Gobui Hong, 42-anyos at ang dalawa pang miyembro ng pamilya na sina Gesouk Park at Kim Joeng Beom.
Nabatid na isinakay ang limang biktima sa isang mini van na ginamit bilang getaway vehicle pero masuwerte umanong nakatalon ang apat habang naiwan naman ang isa na tuluyang nadala ng mga kidnapper.
Makalipas ang ilang oras ay narekober ng mga awtoridad ang mini van na sunog na ito sa Sitio Limono, Barangay Roxas ng nasabing bayan.
Hindi na rin naabutan ng magkasanib na puwersa ng PNP at militar ang mga suspek dala ang biktima.
Posible umanong isinakay sa pump boat ng mga salarin ang biktima kaya kaagad nakalayo ang mga ito mula sa naturang lugar. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment