HINILING ng isang Catholic archbishop sa Sandiganbayan na palayain na ang dating Pangulo na ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at hintayin na lamang na matapos ang pagdinig kaugnay sa kinahaharap na kasong plunder.
Sa isang statement na may title na “A Call for Justice, Mercy and Compassion,” sinabi ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles na kailangang isantabi muna ng anti-graft court ang political pressure at resolbahin na lamang ang kaso ni Arroyo base sa mga ebidensiya laban sa kanya.
Naniniwala si Argulles na ang pagpapakulong kay Arroyo sa kabila ng kakulangan ng ebidensiya ay bahagi ng “obsessive anger” ng Aquino administration.
Sa ngayon, nananatili pa rin ang kongresista sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC), Quezon City dahil sa degenerative bone disease.
Nakakulong ito dahil sa mga alegasyon ng umano’y pakikipagsabwatan para maibulsa ang confidential funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Kasama sa mga nakasuhan ng plunder ang mga dating PCSO officials na sina Sergio Valencia, Rosario Uriarte, Manuel Morato, Raymundo Roquero, Fatima Valdes, Jose Taruc, Benigno Aguas, dating Commission on Audit chairman Reynaldo Villar at COA official Nilda Plaras. Johnny Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment