Sunday, January 25, 2015

So kasalo sa 2nd place sa Tata Steel

BUMAWI mula sa pagkatalo sa 12th round si super grandmaster Wesley So upang kaldagin sa 13th at last round si GM Loek Van Wely sa 77th Tata Steel chess championship kagabi sa Wijk aan Zee, the Netherlands.


Pinaluhod ni 21-year old So (elo 2762) si Wely (elo 2667) ng host country sa 32 moves ng English upang sumalo ito sa four-way tie sa second to fifth place tangan ang 8.5 points kalahating puntos na abante kay reigning world champion GM Magnus Carlsen (elo 2862) ng Norway na siyang sumungkit ng titulo sa nasabing super tournament.


Kasalo ni So ang matagal ng karibal at tumalo sa kanya sa penultimate round na si GM Anish Giri (elo 2784) ng the Netherlands.


Ang ibang 8.5 pointers ay sina GMs Maxime Vachier Lagrave (elo 2757) ng France at Ding Liren (elo 2732) ng China.


Pinagpag ni Lagrave si world No. 2 GM Fabiano Caruana (elo 2820) ng Italy matapos ang 35 moves ng Sicilian habang binigo ni Liren sa 55 sulungan ng King’s Indian defense si defending champion GM Levon Aronia (elo 2797) ng Armenia.


Nakipaghatian naman ng puntos si Giri kay GM Radoslaw Wojtaszek (elo 2744) ng Poland matapos ang 30 moves ng Queen’s Gambit.


Nauwi rin sa tabla ang laro ni top seed Carlsen kay GM Ivan Saric (elo 2666) ng Croatia na umabot naman sa 49 sulungan ng Sicilian.

Ito ang pinakamalakas na tournament na sinalihan ni So sapul ng maglaro siya sa international competitions, nagtala siya ng limang panalo, pitong tabla at isang talo.


Sa ipinakitang tikas ng tubong Bacoor, Cavite na si So umangat ang kanyang live rating sa 2787.5 kaya naman ranked No. 7 na siya sa world.


Sa paglipat ni So sa U.S. federation nakaraang Oktubre ay nalampasan na niya si GM Hikaru Nakamua sa No. 1 American player.


Makaka-ungos ng 11 rating points si So kay Nakamura (elo 2776) kapag lumabas na sa FIDE ratings sa Pebrero 1.


Samantala, solo sa sixth place si GM Vassily Ivanchuk (elo 2715) ng Ukraine tangan ang 7.5 pts. habang pang pitong puwesto si Caruana na may seven pts. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



So kasalo sa 2nd place sa Tata Steel


No comments:

Post a Comment