Monday, January 26, 2015

Pagpipiyansa ni Jinggoy, muling ibinasura

IBINASURA ng Sandiganbayan 5th division ang mosyon ni Sen. Jinggoy Estrada na magtakda na ng halaga para sa kanyang piyansa.


Ayon sa anti-graft court, hindi pa naman tapos ang pagdinig ng korte sa bail petition ni Estrada kaya hindi pa ito maaaring magtakda ng piyansa.


Sa kanyang mosyon, hiniling ng senador na payagan siyang makapagpiyansa sa halagang itatakda ng korte.


Inirereklamo ng senador ang mabagal umanong pagdinig sa kanyang petisyon na nagpapatagal ng kanyang pananatili sa piitan.


Sa kasalukuyan ay nakapiit si Estrada sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. MELIZA MALUNTAG


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagpipiyansa ni Jinggoy, muling ibinasura


No comments:

Post a Comment