MIAMI – Mas pinalakpakan si eight division world champion at Sarangani Representative Manny Pacquiao sa lahat ng mga judges ng Miss Universe pageant coronation night.
Si Pacman na dumaan mula sa likod ng entablado ang pinakahuling judge na ipinakilala.
Suot ang kanyang navy blue na tuxedo, nakangiting kumaway ang Pinoy ring icon sa audience nang ito’y ipinakilala bilang “fighter of the decade.”
Kasama ni Pacquiao sa judging panel ang ilang Hollywood personalities kagaya ng reality star at aktres na si Kristin Cavallari, actor William Levy, reality star Lisa Vanderpump at fashion author Louise Roe.
Nang ianunsyo ang Top 5 para sa question and answer portion, si Pacman ang pinakaunang nagbato ng tanong.
Ang Sarangani solon ang nabunot ni Miss USA Nia Sanchez na siyang magtatanong sa kanya.
“If you were given 30 seconds to deliver message to a global terrorist, what would you say?” tanong ni Pacquiao kay Miss USA.
‘Hope, love and peace’, sagot naman ni Miss USA. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment