AABOT sa 20 magsasaka na benipersyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform (CARP) ang pormal na pinagkalooban ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng may 49-ektaryang sakahan sa Bgy. Bio-os sa bayan ng Amlan, Negros Oriental.
Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program officer Louie l. Narunjo, ang lupang ipinamahagi sa ilalim ng voluntary offer to sell ng comprehensive agrarian reform program ng pamahalaan ay dating pagmamay-ari ng pamilya ni Ginang Antonette Fleischer ng Bgy. Bio-os sa naturang bayan.
Sa ilalim ng programa, layunin ng pamahalaan na sa pamamagitan ng produktibong pagtatanim ng mga benipisyaryong mga magsasaka ay mapapaunlad nila ang kanilang kabuhayan.
Samantala, pinaalalahanan ng DAR ang mga magsasaka na huwag kalimutan ang kanilang obligasyon na magbayad ng amortisasyon at buwis sa lupa na nakapaloob sa CARP. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment