NANGANGAMBA si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na manipulahin na naman ng mga politiko ang Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Nanawagan si Villegas sa mga politiko na igalang ang batas na lumikha ng SK.
Ayon kay Villegas, ang naturang halalan ay nararapat maging non-partisan at hindi namamanipula ng mga traditional politicians o trapos na gustong manatili sa puwesto.
Umaasa naman ang arsobispo na mananaig ang demokrasya sa isasagawang SK elections.
Nananawagan rin si Villegas sa mga Kabataan na huwag magpagamit at magpabayad sa mga politiko.
Pangunahing layunin nang pagtatatag ng SK ay ihanda ang mga kabataan na maging mabuting lider ng bansa sa hinaharap. MACS BORJA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment