NAGPAKAMATAY sa pamagitan ng pagbigti sa puno ng narra ang isang 29-anyos na scavenger sa Paco, Maynila kagabi.
Kinilala ang biktimang si Noel Berongoy, may ka-live-in, ng 14 Cristobal St., Paco.
Sa ulat ni PO2 Mario Asilo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 6:45 ng gabi hang madiskubreng nakabitin ang biktima sa puno ng Narra sa Quirino Extn., malapit sa Paz St., Paco.
Huling nakitang buhay ang biktima ng ilang kabataan na pabalik-balik sa lugar hanggang sa nakita na lamang na nakabitin ito sa malaking sanga ng electrical wire.
Inaalam pa kung anong dahilan ng pagpapakamatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment