Sunday, January 25, 2015

Miss Colombia, tinanghal na Miss Universe

TINANGHAL bilang Miss Universe si Paulina Vega ng Colombia sa katatapos lamang na 63rd Miss Universe Pageant na ginanap sa Miami, Florida, USA.


Sa kabila ng ‘di malinaw umanong pagsagot sa tanong ni Judge Rob Dyrdek na ‘What women could learn from men?’ ay nasungkit pa rin ni Ms. Colombia ang titulo na hindi naman mapagkakailang napakaganda at talaga pang-Miss Universe ang tindig.


1st runner-up si Ms. USA; 2nd runner-up si Ms. Ukraine; 3rd runner-up si Ms. Netherlands, habang 4th runner-up si Ms. Jamaica.


Samantala, bigo namang nakapasok sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Mary Jean Lastimosa na umabot lamang sa Top 10.


Kasama ni Lastimosa na hindi nakaabot sa top 5 sina Ms. Argentina, Ms. Vanezuela, Ms. Spain at Ms. Australia. GILBERT MENDIOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



Miss Colombia, tinanghal na Miss Universe


No comments:

Post a Comment