IPALILIPAT ng National Prosecution Service sa Metro Manila ang lugar ng paglilitis sa mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nakakulong sa Zamboanga City.
Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, kapag naaprubahan ng Korte Suprema ang kanilang ihahaing mosyon para sa “transfer of trial venue,” saka naman nila hihilingin na mailipat ng detention facility ang mga akusado.
Ang hakbang na ito’y gagawin ng DoJ kasunod na rin ng hiling ni Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco na ilipat na ng Maynila ang mga hinihinalang miyembro ng ASG na nakakulong sa kanilang local detention facility.
Hinihinala kasing may kinalaman sa umano’y planong pagtakas ng 57 inmate sa bilangguan sa kanilang lugar ang naganap na pagsabog sa Zamboanga City nuong Biyernes kung saan isa ang nasawi at 48 ang sugatan.
Paliwanag ni Arellano, dati nang hiniling ng prosekusyon noong 2010 na mula sa Basilan ay mailipat ng Maynila ang trial venue sa mga nasabing akusado, pero ang inaprubahan ng Korte Suprema ay ang paglilipat ng trial venue sa Zamboanga City.
Sinabi naman ni Justice Secretary Leila de Lima na naipalam na niya ang gagawing hakbang ng DoJ kay Pangulong Aquino. TERESA TAVARES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment