DALAWANG ulit inuga ng lindol ang Davao Oriental kaninang madaling-araw, Enero 26, 2015 (Lunes).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang naramdaman ang 3.9 magnitude na lindol sa silangan ng Tarragona, Davao Oriental dakong 1:48 ng madaling-araw.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 027 kilometro.
Kaugnay nito, nasundan ang lindol matapos maitala ang 4.2 magnitude na pagyanig sa kanluran ng Governor Generoso, Davao Oriental dakong 8:17 ng umaga.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ay 024 kilometro.
Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa dalawang magkasunog na lindol. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment