Monday, January 26, 2015

Nambugbog kay Vhong, dakip sa Makati

SWAK sa kulungan ang isa sa mga suspek sa pambubugbog sa actor-host na si Vhong Navarro noong 2014.


Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Illegal Drugs Unit chief Atty. Eric Isidoro, nakakulong na si Ferdinand Guerrero matapos itong magtago nang halos isang taon.


Tiklo si Guerrero sa sarili niyang condominium sa Ayala Ave., Makati gamit ang arrest warrant na inisyu ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 271.


Nasa desisyon umano ng hukuman kung mananatili ito sa NBI detention cell o ililipat ng piitan.


Walang inirekomendang piyansa si Judge Paz Esperanza Cortez kay Guerrero.


Matatandaang noong Abril ay nagtangkang lumabas ng bansa si Guerrero patungong HongKong ngunit nasabat sa airport dahil nasa lookout bulletin ito ng Department of Justice (DoJ).


Magugunitang Enero 22, 2014 nang bugbugin ang “It’s Showtime” host sa condominium unit ng modelo at akusadong si Deniece Cornejo sa Taguig.


Itinanggi ni Guerrero na nakibugbog siya sa biktimang aktor.


Iginiit niyang kasama lamang siya ng negosyante at kapwa suspek na si Cedric Lee nang maganap ang insidente. NENET VILLAFANIA / JAYZL NEBRE


.. Continue: Remate.ph (source)



Nambugbog kay Vhong, dakip sa Makati


No comments:

Post a Comment