Monday, January 26, 2015

Kelot, timbog sa granada

ARESTADO ang isang 27-anyos na lalaki matapos mahulihan ng granada kagabi sa Tondo, Maynila.


Nakakulong na ngayon sa selda ng MPD-Station 7 ang suspek na si Lester Torres, may-asawa, walang trabaho, ng 782-L Solis St., Tondo dahil sa kasong paglabag sa RA 9516 (Illegal Possession of Hand Grenade).


Sa ulat ni PO3 Alexander dela Cruz ng MPD-Station 7, dakong 10:30 kagabi nang maaresto ang suspek sa Solis St., Tondo.


Nauna dito, nagtalo umano ang suspek at ina nito na si Analiza Torres.


Tinangka umano ni Roegl Goonzales, tiyuhin ng suspek, na mamagitan subalit binalewala nito at nagbanta pang magpapasabog ito ng granada.


Bunsod nito, humingi ng tulong si Gonzales sa kanilang Barangay Kapitana ng Bgy. 164 Zone 14 at kinumbinsi ang suspek na i-surrender ang granadang nakatago sa lagayan ng mga labahan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot, timbog sa granada


No comments:

Post a Comment