Monday, January 26, 2015

Camp Crame, naka half-mast

NAKA-HALF MAST ngayon ang bandila ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng Kampo Crame sa Quezon City.


Ito’y bilang pagpugay at pagdadalamahati ng pambansang pulisya sa pagkamatay ng may 50 pulis matapos na makipagsagupaan sa lawless elements na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Liberation Front (MILF).


Nag-ugat umano ng engkwentro dahil nagulat ang tropa ng MILF sa naging operasyon ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao nitong nakaraang Huwebes.


Una nang napaulat na pinasok ng tropa ng PNP-SAF ang naturang balwarte ng MILF ng walang paalam na humantong sa malagim na sagupaan.


Lumabas sa impormasyon, na sa nasabing napatay na miyembro at opisyal ng PNP-SAF ay apat dito ay opisyal, at ang pinakamataas na ranggo ay Chief Inspector o katumbas sa AFP na isang major.


Samantala, iniutos na rin ni SILG Mar Roxas sa lahat ng Police station sa buong bansa na ilagay sa half-mast ang bandila ng Pilipinas bilang respeto sa ginampanang tungkullin ng mga napatay na miyembro ng SAF-PNP. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Camp Crame, naka half-mast


No comments:

Post a Comment