Sunday, January 25, 2015

MAYOR AT KAPULISAN ANG MGA NAGSISILBING PROTEKTOR

GUMAWI tayo sa Cainta at Taytay, Rizal at ating silipin ang sangkatutak na mga video-karera (vk) na nilatag nitong si alyas Junie sa bawat barangay at sitio ng nasabing lalawigan.


Bilib ako sa tapang at kapal ng mukha ng mamang ito sa kabila ng ‘all out war against’ sa mga iligal na pasugalan sa Region-4A pero patuloy na namamayagpag ang mga video-karera nitong si alyas Junie.


Wala raw ipinagmamalaki itong si Junie kundi malakas siya kina Cainta Mayor Kit Nieto at Taytay Mayor Janet del Mercado. (Talaga lang ha!)


Kaya hindi matinag-tinag ang mga vk nito ay dahil walang bukambibig ang mokong kundi ang mga nabanggit na mayor ang siya umanong pumoprotekta sa kanyang naglipanang mga VK.


Bukod kina Mayor Nieto at Mayor del Mercado ay protektado pa si Junie ng mga police sa Taytay at Cainta, maging ang Regional Director ng Region-4A.


Halos kalahati ng populasyon ng mga kabataan sa Taytay at Cainta ay nagugumon na sa paglalaro ng iligal na vk ni Junie.


Sumbong ng mga magulang, naglipana raw ang mga vk sa kahabaan ng Floodway na sakop ng Taytay at Cainta.


Pero mayroon ding mga VK sa ibang mga lugar ng dalawang bayan.


Totoo ba ito?


Ano ba ito, wala bang mga pakiramdam itong sina Mayor Nieto at Mayor del Mercado sa mga nasasakupan nila?


Aba ano na n’yare sa inyo, Mayor Nieto at Mayora del Mercado?


Hoy, hoy kilos…!


PULIS ANG PROTEKTOR


Sa lalawigan naman ng Batangas, kung madadako kayo sa Bgy. Palico, Tuy ay lantaran ang sakla at dice riyan nina alyas Gil, Picio at isang Larry.


Hindi magalaw-galaw ang mga pasugalan ng mga tarantadong ito dahil sa pinoproteksyunan sila ng kapulisan ng Batangas.


Kahit mahigpit ang kampanya laban sa iligal na pasugalan at iba pang mga masasamang bisyo ay lantaran pa rin na ino-operate ng mga operator na ito ang kanilang kailigalan.


o0o

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


.. Continue: Remate.ph (source)



MAYOR AT KAPULISAN ANG MGA NAGSISILBING PROTEKTOR


No comments:

Post a Comment