Monday, January 26, 2015

Kasong murder vs Pemberton, pinanindigan ng DoJ

PINANINDIGAN ng Department of Justice (DoJ) na dapat maisulong ang kasong murder laban kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.


Ibinasura lamang ng DoJ ang petition for review ni Pemberton at kinatigan ang naunang resolusyon ng Olongapo City Prosecutors Office na may sapat na batayan pasa kasuhan sa korte ang amerikanong sundalo.


Nakasaad sa 12-pahinang resolusyon ng DoJ na walang sapat na basehan upang baligtarin ang naging resolusyon ng piskalya.


Matibay anila ang ebidensya laban kay Pemberton dahil positibo itong itinuro ng testigo na huling nakasama ni Laude bago ito pinaslang.


Si Pemberton na nasa kustodiya ng US Embassy at nakapiit sa Camp Aguinaldo ay nahaharap sa kasong pagpatay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude na natagpuang patay sa loob ng palikuran ng isang lodging house sa Olongapo City. TERESA TAVARES


.. Continue: Remate.ph (source)



Kasong murder vs Pemberton, pinanindigan ng DoJ


No comments:

Post a Comment