Monday, January 26, 2015

MILF, sinisi ni Erap sa pagkamatay ng SAF members

SINISISI ng dating Pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada ang pagkamatay ng maraming miyembro ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa naganap na engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao nitong Linggo.


Hindi aniya basta na lamang sabihin ng MILF na ‘isolated incident’ o misencounter lamang ang naganap na engkwentro.


Aminado rin naman si Estrada na tiyak na maaapektuhan ng naturang pangyayari ang nagaganap na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF.


“Yes, this will affect the peace talks. So many lives have been sacrificed. How can this be an isolated incident? They have been doing that for the past how many years. How many towns have been burned? How many people have been killed? We have exhausted all means in making peace with them. What else?” pahayag pa ni Estrada sa panayam sa telebisyon.


Naniniwala rin si Estrada na hindi dapat pagkatiwalaan ng pamahalaan ang MILF dahil dati na aniya itong sumira sa usapan ang naturang rebeldeng grupo habang nagkakaroon ng usapang pangkapayapaan.


“There was lack of coordination and things like that. You can never trust the MILF and MNLF (Moro National Liberation Front). That is what I believe in…I experienced it,” ani Estrada.


Kaugnay nito, nagpaabot si Estrada ng pagnanais na makipag-dayalogo kay dating MILF chairman Hashim Salamat kung saan sinabi naman ni Moro leader na kung nais siyang makausap ni Erap ay dapat na siya ang magtungo sa Mindanao.


Binigyan pa rin naman aniya niya ang MILF ng anim na buwan para lumagda ng pangmatagalang kasunduang pangkapayapaan ngunit hindi ito natuloy matapos na hilingin nito na gawing substate ang Mindanao, na hindi aniya niya pinayagan.


Bukod dito, hindi rin nagustuhan ng dating pangulo ang pag-atake ng MILF sa bayan ng Kauswagan sa North Cotabato at pumatay ng mga sundalo at maging ng anim na paslit sa kabila ng gumugulong na kusaping pangkapayapaan.


Dito na aniyang isinuot ang kanyang fatigue uniform at nagtungo sa Kauswagan at nagdeklara ng all-out-war laban sa rebeldeng grupo.


Nabawi ng pamahalaang Estrada ang may 13 pangunahing kampo ng MILF kabilang na ang pinakamalaking kampo na Camp Abubakar.


Tumanggi naman si Erap na magbigay ng payo kay Pangulong Aquino kung paano pakikitunguhan ang MILF.


Hinikayat pa niya ang mga mamamayan na ipanalangin na mapagtagumpayan ng pangulo na maresolba ang naturang problema sa Mindanao. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



MILF, sinisi ni Erap sa pagkamatay ng SAF members


No comments:

Post a Comment