NAGSISINUNGALING si DSWD Sec. Dinky Soliman!
Ito ang pahayag ni BUHAY Partylist Rep. Lito Atienza sa kalihim kaugnay sa salu-salungat na pahayag ukol sa pagwalis sa mga street families sa Papal visit.
“Hayagang nagsisinungaling si Sec. Soliman sa simula’t simula sa issue ng pagtago ng mga street families ng Maynila. Ang una ay sinabi n’yang hindi totoo ang isyu na ito, ngunit nang mabisto, ito raw ay isang regular na programa ng DSWD,” giit pa ni Atienza.
Malaking insulto aniya ito kay Pope Francis dahil naglakbay ito ng malayo upang Makita at damayan ang mga mahihirap.
Sa halip aniyang itinago ang street families ay dapat sanay binigyan na lamang ang mga ito ng ikabubuhay dahil nasa P70-bilyon naman ang pondo ng Conditional Cash Transfer (CCT).
Tuloy din ang panawagan ni Atienza na magkaroon ng congressional inquiry ukol dito. MELIZA MALUNTAG
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment