DINUKOT ng armadong kalalakihan ang Central African Republic minister for youth and sport sa Bangui.
Batay sa impormasyon ng mga awtoridad, galing si Armel Ningatoloum Sayo sa simbahan at pabalik na sa kanilang bahay nang dukutin.
Ayon kay Tatiana Yangeko, spokeswoman ni Sayo, huminto ang mga suspek lulan ng taxi sa 8th arrondissement sa Bangui at dito na sapilitang kinuha ang biktima.
“They got out of the taxi, shot in the air and forced the minister out of his car. They fled with him towards Boy Rabe,” ani Yangeko.
Ipinarating na ng kampo ni Sayo ang insidente sa prime minister. Marjorie Dacoro
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment