Sunday, January 25, 2015

Mga Pinoy sa Israel pinag-iingat

PINAG-IINGAT ngayon ng Embahada ng Pilipinas sa Israel ang mga Pinoy lalo na ang 300 agricultural student na galing Pilipinas kasabay ng terror attack sa Tel Aviv.


Ayon kay Geoffrey Olayan, presidente ng Federation of Filipino Community-Israel, nasabihan na ang mga OWF na iwasan ang sumakay sa mga bus lalo kung rush hour at huwag nang lumabas kung di naman mahalaga.


Ayon naman kay Monina Avraham itinaas na ang alerto sa Tel Aviv kaya nagdeploy na ng tropa ang Israel hinggil sa nasabing terror attack.


Sa ngayon ay nakakaramdam na rin ng takot ang mga OFW sa nasabing bansa matapos ang nangyaring pananaga ng isang 23 anyos na Palestenian na suspek sa loob ng bus kamakailan. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga Pinoy sa Israel pinag-iingat


No comments:

Post a Comment