UMAABOT na sa 39 operatiba ng Special Action Force (SAF) ang napatay sa naganap na bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao habang sinasabing walong iba pa ang nawawala.
Sa inisyal na report, limang miyembro naman ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nalagas sa nasabing engkuwentro.
Nabatid na nagsasagawa ng operasyon ang SAF laban sa foreign-trained bombers sa Tukanalipao District kanluran ng Mamasapano nang atakehin ng mga rebelde.
Kinumpirma naman ni Captain Jo-Ann Petinglay, public affairs chief ng Army’s 6th Infantry Division ang insidente.
Samantala, ano mang oras ngayon ay maglalabas ng pahayag si PNP spokesman Senior Supt. Wilben Mayo hinggil sa insidente.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment