Sunday, January 25, 2015

Horse teeth kapag ngumingiti!

BAGO mag-pista ng Quiapo, doon kami nagsimba para indi na kami mahirapan sa rami ng tao na pupunta sa araw ng kapistahan. Sa may labas ng simbahan meron kaming nakitang familiar face na sinalubong kami ng ngiti sabay bigkas ng, “kumusta ka na?”


Dati naming kasamahan sa panulat sa ibang tabloid kaya nagkayayaan kaming mag-merienda sa malapit na cafeteria at nagkwentuhan sa mga nakaraang mga bagay-bagay.


Noong araw kasi, meron kaming mga istambayan na watering hole ng mga reporters riyan sa Escolta at sinariwa namin ang mga nakaaaliw na kwento tungkol ito sa isang direktor na mahilig manood ng sine sa mga double program sa Lyric theater sa Escolta. Ang kaibigan kong ‘to ay mahiligin ding tumambay sa nasabing sinehan tuwing tanghali pagkatapos mag-lunch ng mga grupo ng mga kasamang manunulat.


Nasa balcony siya. ‘Yan ang kanyang paboritong puwesto ang balcony, pero bago siya pumasok sa loob ay tumuloy muna siya sa comfort room para dyuminggel at laking gulat niya sa kanyang nakita. Merong tatlong nilalang na meron ginagawang milagro. Kinukufas ng bading ang isang guwapong bagets at ang isa naman ay tila nagbibigay ng instruksyon sa dalawa.


Primero, hindi pa namumukhaan ng aming kasamahang manunulat kung sino itong nakatalikod na tila nag-didirek kung ano ang gagawing eksena.


Nang mapalingon ito sa aming kaibigang manunulat, nagkagulatan sila dahil ang taong ‘yan ay isang tunay na directed by. Yes, Bubbles Brazil, hanggang sa loob ng comfort room ay nagdi-direk pa rin ang ang magaling na director. Ha! ha! ha! ha! nag flashback tuloy sa amin ang battle cry ng isang male starlet sa sinabi nitong “Blow job is an art.


-0-


Masama ang loob ng mga loyal fans ng ating Miss Philippines na si Mary Jane Lastimosa sa mga bumabatikos sa suot nitong gown at national costume na hindi tumama sa kanilang panlasa na kesyo ang tsaka raw ng costume na tila isang flower basket at ang gown na puti na inirampa ni Mary Jane ay wedding gown kuno. Ang hindi namin matanggap ay ang sinabi ng isang netizen na horse teeth daw kapag ngumingiti ang napakaseksi at magandang kandidata natin.


Imbes na sumuporta siniraan pa. Di ba alam ng mga taong ‘yan na marami ang nagbabasa ng mga comment sa facebook at ang nakalulungkot ay kapwa natin kababayan ang mga nanglalait. Nakalulungkot isipin. Hindi naman kasalanan ni Bb. Pilipnas MJ Lastimosa na ganyan ang kanyang isusuot na gown at costume dahil hindi naman siya ang namili kundi sa Madam Stella Araneta.


Ang importante, maganda niyang dinala ang kasuotan. Nakabibingi ang sigawan ng mga audience nang lumabas na sa stage at rumampa ang pambato ng Pilipinas. Ang ganda niyang magdala ng gown at costume lalo na nang maglakad na ng naka-swimsuit. Kitang-kita ang maganda niyang katawan na mala-gitara ang hugis.


Ano kaya kung mapasama siya sa top 5? Ito siguro ang masasabi ng mga fans ni Mary Jane sa mga nang-ookray. “Sa amin ang huling hahahahaha! Ciao Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Horse teeth kapag ngumingiti!


No comments:

Post a Comment