Sunday, January 25, 2015

Never na pinaghalo ang trabaho at lovelife!

FINALLY, natanggap na ni Annabelle Rama ang boyfriend ni Ruffa Gutierrez na si Jordan Mouyal. Hindi naman kasi balakid sa buhay at trabaho ni Ruffa ang kanyang nobyo. Ito ang pahayag ng actress-TV host sa prrsscon ng kanyang endorsement, Cosmo Skin Premium Collagen. Nagsisilbi lang daw niyang inspirasyon.


“With me kasi if it’s work, it’s work. I’m not one of those celebrities that they bitbit-bitbit their boyfriends everywhere unless it’s an event or it’s a social gathering. But if it’s work, it’s work and I don’t let my love life affect my work,” sambit pa niya.


“So I think my mom has appreciated that hindi naman nakikialam si Jordan sa career ko, sa mga gawain ko. I still take care of my kids. And right now, even if he is there in my life, he’s just an inspiration. He’s not my priority,” sambit pa niya.


Tinanong din si Ruffa kung nagre-react pa rin ang kanyang estranged husband na si Yilmaz Bektas. Hindi na raw pinapansin ni Ruffa. Matagal na raw silang hiwalay at mag-isa naman niyang binubuhay ang mga anak nila. Wala namang ibinibigay na sustento Yilmas.


Naloka lang kami sa pahayag ni Ruffa na kahit mukhang pera diumano ang mommy niya ay siya pa ang nagsabi na ‘wag nang humingi ng sustento kay Yilmas dahil kaya naman nila.


Oo nga naman!


-0o0-


Mas happy ba si Rafael Rosell na napapanood siya ngayon sa Primetime dahil kasama siya sa serye nina Jennylyn Mercado at Raymart Santiago kesa napapanood sa hapon?


“Ako kasi sinusubukan kong mag-develop ng isang lifestyle na, that will put my mind at ease, na hindi ako stressful at isa sa mga stressful sa industriyang ito na tinatamaan ang bawat aktor at aktres o singer o dancer is the pressure of competition. So, ako ayaw kong makipag-compete, e. So whether primetime or noontime, para sa akin basta makapagtrabaho ako at magawa ko ‘yung gusto kong gawin sa buhay which is I have a passion for acting and I love acting and I like portraying characters so basically para sa akin, whether noontime or primetime it doesn’t really matter para sa akin, e.


“Pero alam ko naman pagdating sa career mas nakaka-boost ang primetime so if you’re asking me which career opportunities I would rather go for, it would be primetime siyempre. Pero para sa akin the atmosphere dito sa GMA, para sa akin, primetime at noontime nae-enjoy ko pareho, e. I love it,” deklara niya.


Mukhang naghahanda na si Rafael sa pagkakaroon ng pamilya. Nagpapagawa na siya ngayon ng bahay.


“I’m planning to make a common house for the whole family e. Na ‘pag nandito sila dun sila mag-stay, ‘pag may get-together dun na lang kami. Pero it will be the main house para sa amin na may gulay, may prutas,” paglilinaw niya.


Kumusta naman katrabaho si Jennylyn Mercado?


“It’s an honor, the Best Actress sa primetime and I get to work with her. Para sa akin I love it here (sa GMA). Ang ganda ng mga opportunity na binibigay sa akin ng GMA and the positioning, the responsibility, the trust na binibigay nila sa akin. I’m very happy,” sambit niya.


Hindi naman daw siya naiilang na na kaeksena si Jen.


‘Yun na!


-0o0-


Dumating na si Joross Gamboa at Katz Saga galing sa kanilang honeymoon sa Japan. Sobrang na-enjoy ng mag-asawa ang Japan. Hindi pa raw napuntahan ni Joross ang mga lugar na napasyalan nila.


Gustong-gusto na talaga ng mag-asawa na magkaroon ng anak.


Nakasama rin nila si Sandara Park sa Japan. Hindi naman naging istorbo si Sandara at dalawang araw lang daw nag-stay ang Koreanang singer-actress.


Naging abala sina Joross at Katz nu’ng December after ikasal sila nu’ng November kaya ngayon lang nangyari ang honeymoon.


Talbog! XPOSED/ROLDAN CASTRO


.. Continue: Remate.ph (source)



Never na pinaghalo ang trabaho at lovelife!


No comments:

Post a Comment