Wednesday, December 3, 2014

UPDATE: Ruby bumabayo na

HUMAHAGUPIT na ngayon ang bagyong Ruby na may international name na ‘Hagupit’ matapos pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).


Sa ulat ng PAGASA, bandang alas-3:00 ng madaling-araw pumasok sa karagatang sakop ng Pilipinas ang malakas na bagyo.


Huli itong namataan sa layong 942 kilometro sa silangan hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur o 1,023 kilometro sa silangan ng Surigao City.


Taglay nito ang lakas ng hangin na 175 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 210 kph.


Kumikilos ito sa bilis na 25 kph habang patungo sa kanluran hilagang-kanlurang direksyon.


Sa pinakahuling ulat, ipinakikitang nagkaroon ng puwang ang high pressure area (HPA) kaya unti-unti itong tataas. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Ruby bumabayo na


No comments:

Post a Comment