NAHAHARAP na naman sa parusang bitay ang isang Pinoy matapos mahulihan ng limang kilong iligal na droga sa paliparan sa China.
Ayon sa report na tinanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA), inaresto ang Pinoy na ‘di pa pinangalanan, sa airport ng Ningbo, China.
Nakitaan umano ang kanyang bagahe ng limang kilong crystal methamphetamine o mas kilala sa tawag na “ice” sa China o shabu.
Patungong Kuala Lumpur, Malaysia ang suspek nang madakip ng mga awtoridad habang naghihintay ng kanyang flight sa Ningbo airport.
Dahil sa panibagong kaso, muling nagpaalala ang DFA sa mga Pinoy travelers na mag-ingat at huwag basta-basta maniwala sa alok ng mga sindikato ng droga. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment