PATAY ang isang kilalang car racer na si Bong Hilario matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang talyer sa Bankers Village, Antipolo City.
Pitong tama ng bala ang bumaon sa katawan ni Hilario, kabilang na ang isang tama sa kanyang ulo.
Ayon sa mga testigo, nakaupo si Hilario katabi ang isang customer sa H3 Autoworks nang dumating ang isang lalaking sakay ng motorsiklong walang plaka.
Nilapitan ng lalaki ang biktima at walang sabi-sabi nitong pinagbabaril hanggang sa bumulagta.
Hindi pa malinaw ang motibo sa krimen pati ang identity ng suspek.
Tumanggi naman munang humarap sa media ang asawa ng biktima. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment