Wednesday, December 3, 2014

Mag-asawa tigok sa riding-in-tandem sa Samar

TIGBAK ang isang mag-asawa nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng isang boat house sa Bgy. Obrero, sa siyudad ng Calbayog sa Samar.


Kinilala ang mga biktimang sina Ramon Bentores, 45, at Mary Ann Bentores, 39, empleyado ng Calbayog City Hall, at kapwa ng Bgy. Capoocan ng nabanggit na siyudad.


Sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na sana ang mag-asawa nang bigla itong tambangan ng mga suspek.


Sa ngayon iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.


Samantala, blangko pa rin ang mga kapulisan sa motibo sa nasabing krimen. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Mag-asawa tigok sa riding-in-tandem sa Samar


No comments:

Post a Comment