TODAS ang isang lalaki makaraang suwagin ng pampasaherong jeep habang tumatawid sa EDSA, Balintawak, Quezon City kagabi, Disyembre 4, 2014 Huwebes.
Inilarawan ang biktima na tinatayang 30 – 40-anyos, 5’2 – 5’3 ang taas, kayumanggi ang balat, naka-itim na polo shirts, itim na pantalon at naka-tsinelas.
Ayon sa ulat ni P02 Antonio Tadios ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 1, naganap ang insidente sa northbound sa harap ng Ford Balintawak, Bgy. Apolonio Samson, dakong 9:30 ng gabi.
Sa ulat, tumatawid ang biktima sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang isang pampasaherong jeep (DKN-160) at nahagip ang biktima na sa halip na dalhin sa ospital ay tinakbuhan na lang nito.
Isinugod ang biktima ng nagmalasakit na pedestrian sa lugar at dinala sa Quezon City General Hospital (QCGH) subalit hindi na ito umabot nang buhay.
Beniberipika na ng mga tauhan ng Quezon City police traffic ang driver ng pampasaherong jeep para mapanagot sa insidente. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment