UMANGAT ang ranking ng Pilipinas sa pinakahuling Corruption Perception Index (CPI) na epekto ng pagpupursige ng gobyerno kontra korapsyon.
Sa report na inilabas ng Transparency International, umangat ang Pilipinas sa ika-85 na puwesto mula sa 94 noong nakaraang taon at ika-105 noong 2012.
Kasama ang 175 na bansa sa isinagawang survey, 177 noong 2013 at 176 noong 2012.
Kasama ng Pilipinas sa ika-85 puwesto ang Burkina Faso, India, Jamaica, Peru, Sri Lanka, Thailand, Trinidad and Tobago at Zambia.
Ang Denmark naman ang nanguna sa ranking, sinundan ng New Zealand, Finland, Sweden at Norway.
Kasama sa top 10 ang Switzerland, Singapore, Netherlands, Luxembourg at Canada.
Kulelat naman ang North Korea at Somalia sa rank 174 at sinasabing most corrupt sa lahat ng bansang sumailalim sa survey.
Kasama rin sa mga kulelat ang Sudan, Afghanistan, South Sudan, Iraq, Turkmenistan, Uzbekistan, Libya at Eritrea. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment