DAHIL sa nalalamang anomalya, isang Bureau of Internal Revenue (BIR) collector sa Agusan del Norte ang itinumba nitong Miyerkules ng gabi, Disyembre 3, upang hindi na mabunyag nadiskubre nitong malaking anomalya sa revenue collection sa isang munisipalidad sa bayan ng Misamis Oriental.
Sinabi kaninang umaga, Disyembre 4, ni PNP regional spokesperson P/Supt. Bernard Mendoza, na ito ang hinihinalang motibo sa pagpatay sa biktimang si Edan Estorcio, 26, BIR tax collector sa Gingoog, Misamis Oriental.
Ayon kay Mendoza, naikwento sa kanila ng kapatid ni Estorcio na si Grace Melendrez na may natuklasan itong malaking anomalya sa tax collection sa isang munisipalidad sa nasabing lalawigan.
Dagdag pa ng ginang, may isang town mayor na sadyang hindi binanggit ang pangalan ang pumipigil sa kanyang kapatid na isiwalat ang nalalaman nito sa naturang anomalya.
Pero dahil ayaw papigil ng kanyang kapatid, hinila niyang ipinapatay ito para hindi na tuluyang ikanta ang kanyang nalalaman.
Nito lamang nakaraang Miyerkules ng hapon, binaril ng isang hindi nakikilalang armadong lalaki ang biktima sa ulo habang papasok sa kanyang apartment sa Bgy. Sto. Niño sa Bayan ng Magallanes, Agusan del Norte.
Si Estorcio ay nagsisilbing BIR tax collector sa bayan ng Binuangan hanggang Magsaysay sa silangang bahagi ng Misamis Oriental. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment