Wednesday, December 3, 2014

Cong. Erice, alanganin sa illegal mining case

NALALAGAY ngayon sa alanganin si Caloocan Rep. Egay Erice dahil sa kasong illegal mining na kanyang kinahaharap sa tanggapan ng Ombudsman.


Ito’y makaraang ibasura ng Korte Suprema ang inihaing petisyon ni Erice na kumukuwestyon sa naging hatol na guilty sa kanya ng Court of Appeals (CA) hinggil sa paglabag sa environmental compliance certificate ng kanyang mining firm.


Batay sa desisyon ng Appelate Court, lumagpas sa extraction limit ang kumpanyang Sun-R Mining, Inc. ni Erice na isinagawa sa Bgy. La Fraternidad, Tubay, Agusan del Norte.


Ayon sa ipinalabas na desisyon ng Korte Suprema, sinabi nitong may kapangyarihan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mag-revoke o bawiin ang inilabas na ECC nito sa isang mining firm kapag lumabag ito sa extraction policy. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Cong. Erice, alanganin sa illegal mining case


No comments:

Post a Comment