Sunday, November 23, 2014

Zero crime rate sa laban ni Pacquiao, nabura

HINDI nakapagtala ng zero-crime rate sa laban ni People’s Champ at Amerikanong si Chris Algeiri nitong nakaraang Linggo.


Ayon sa Philippine National Police (PNP), may apat na krimen na nailata habang ginaganap ang laban nina Pacquiao at former undefeated Algieri.


Sinabi ni Sr. Supt. Wilben Mayor, spokesperson ng PNP, bandang ,alas-2:45 Linggo ng hapon sa Marikina nang barilin ng hindi pa kilalang suspek ang isang lalaki habang natangayan ng motorsiklo ang isang biktima sa Bgy. Amoranto, Quezon City.


Sa Region VI ay sinaksak ng suspek na si Carmelo Agapito si alyas “RM” sa Iloilo Terminal Market na idineklarang dead-on-arrival sa ospital.


May insidente rin ng pamamaril na ikinasawi ng miyembro umano ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ng Bravo Company ng 14th Infantry Battalion ng Philippine Army.


Matatandaang madalas ang zero-crime rate sa bansa sa tuwing may laban si Pacquiao dahil natututok ang mga Pinoy sa laban nito. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Zero crime rate sa laban ni Pacquiao, nabura


No comments:

Post a Comment