Sunday, November 23, 2014

Pagbubukas ng Solar-powered rooftop sa QC, pinangunahan ni PNoy

PINANGUNAHAN ni Pangulong Noynoy Aquino at mall magnate Hans Sy ang pag-switch on sa solar-powered rooftop sa multi-level carpark building sa SM North Quezon City kaninang umaga, Nobyembre 24, Lunes.


Katulong ng SM Prime Holdings ang Solar Philippines para sa paglalagay dito ng 5,760 solar panels na mapapagkunan ng 1.5 megawatts ng kuryente na may kapasidad na mailawan ang may 1,000 kabahayan o ang 150,000 10-watts light bulbs o maaaring masuplayan nito ng kuryente ang may 170,000 30 watts na electric fans.


Ang solar panels ay maaari ring makapagbigay ng suplay ng kuryente sa may 16,000 lighting fixtures, 59 escalator at 20 elevators ng SM North EDSA.


Ang Solar Rooftop project ay bahagi ng programa ng SM Prime na makatulong na maging sustainable ang operasyon at environment friendly ngayong panahon na kinakapos ang bansa sa suplay ng kuryente dahil sa limitadong energy sources.


Ang SM Prime ang kauna-unahan sa mundo na nagtayo ng unang SM mall na gamit ang solar energy sa Xiamen Mainland China. Umaasa din ang pamunuan ng SM Prime na tularan sila ng ibang mall owners sa paggamit ng solar energy upang makatulong na maibsan ang pangangailangan ng bansa sa suplay ng kuryente. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagbubukas ng Solar-powered rooftop sa QC, pinangunahan ni PNoy


No comments:

Post a Comment