Sunday, November 23, 2014

Salpukan ng 2 motorsiklo, 2 tepok

DALAWA ang patay habang tatlo ang sugatan nang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa Laguna kaninang umaga, November 24.


Dead-on-arrival sa ospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo sina Gilmore Mayola at Joanna Marie Lacaba.


Nasa kritikal naman na kondisyon sina Ramon Mendoza, Maricris Maralang at Jason Lacaba.


Naganap ang insidente dakong 9:35 ng umaga sa national highway ng Bgy. Calios, Sta. Cruz, Laguna.


Sa ulat ng pulisya, magkaangkas sa isang motorsiklo sina Mayola at ang magkapatid na Lacaba nang makabanggaan nila ang sinasakyang motorsiklo naman nina Mendoza at Maralang.


Sa lakas ng salpukan, tumilapon at bumagsak sa sementadong kalsada ang mga sakay ng parehong motorsiklo. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Salpukan ng 2 motorsiklo, 2 tepok


No comments:

Post a Comment