ANG pangunahing layunin ni Pope Francis sa pagpunta sa Pinas sa Jan. 15 ay ang personal niyang pakikiramay sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda noong nakaraang taon.
Pero mukang paningit lamang sa schedule ang mga biktima ng bagyo.
Mas maraming oras ang nakalaan sa mga opisyal ng gobyerno at mga pinuno ng simbahang Katoliko.
Magagalit kaya si Pope Francis sa kanila?
Sa Jan. 15 na ang paglapag sa Pinas ni Pope Francis.
Matapos ang isang pagbati sa kanyang pagdating ng 5:45 p.m. ay tutuloy muna siya sa Pasay City upang magpalipas ng gabi sa bahay ng Papal Nuncio.
Kinabukasan ay pupunta si Pope Francis sa Malakanyang, baka abutin ng dalawang oras ang seremonya sa palasyo.
Agad siyang tutuloy sa Manila Cathedral pero ang pwede lang dumalo ay ang mga opisyal ng Simbahang Katoliko katulad ng mga pari, madre at mga lay minister.
Pagsapit ng 5:30 p.m. ay tutungo si Pope Francis sa SM Mall of Asia Arena upang makapiling ang mga “piling” pamilyang papapasukin sa naturang arena.
Sa Jan. 17 pa ang pagpunta ni Pope Francis sa Tacloban, Leyte na kung saan niya inaasahang makapiling ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa iba’t ibang panig ng Visayas.
Dalawang oras lamang si Pope Francis sa Tacloban International Airport sa Tacloban City dahil tutuloy na siya sa bayan ng Palo na kung saan nakatira ang arsobispo ng Leyte at karatig na mga lalawigan.
Matapos ang tanghalian ay bebendisyunan na ang Pope Francis Center for the Poor at 3:00 p.m.
By 3:30, haharapin naman niya ang mga pari, mga seminarian, mga relihiyosong tao at mga biktima ni Yolanda sa Palo, Leyte.
Kinabukasan ay may pulong ang mga pari sa University of Sto. Tomas sa bandang 9:45 a.m.
3:30 p.m. pa ang misa ni Pope Francis sa Rizal Park na lalahukan ng ilang milyong mga ordinaryong tao.
Hindi kaya magalit si Pope Francis sa sistemang ito? DEEP FRIED/RAUL VALINO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment