Monday, November 24, 2014

TRIUMVIRATE

PANALO ang mamamayan ng lungsod ng Caloocan sa pagsasama-sama ng tatlong matataas na opisyal nito na sina Mayor Oca Malapitan, Rep. Egay Erice at Vice Mayor Maca Asistio kahit batid ng marami na hindi sila magkakaalyado kung ang pag-uusapan ay ang partidong kanilang kinasasaniban.


Tunay at nakatutuwang isipan at mismo ang mga lokal na mamamahayag, lalong-lalo na ang Camanava Press Corps, ang pinakamalaki, buo at respetadong media organization sa northern Metro Manila, ay mga buhay na testigo dahil nakikita at nararamdaman nila ang pagkakaisa ng tatlo.


Ayon kay VM Maca, hindi nila ‘cup of tea’ sa lungsod ang maghanapan ng butas at mamulitika dahil lahat silang tatlo ay kumbinsido na walang matinong pagbabago na magaganap sa Caloocan kung hindi sila magkakaisa na ipatupad ang kanilang mga programa at proyekto.


“As far as the Sangguniang Panlunsod is concerned, it has been supportive to the Malapitan administration which we see to be very responsive to the needs of the residents especially those at the poor sector,” ani VM Maca.


Dagdag pa niya: “In the end, the city and its people are emerging victorious and lucky at the same time, because they’re now seeing more infrastructure facilities, aside from new roads and massive waterway improvement and more improved delivery of public services.”


Ganoon din itong si Cong. Egay. Ayon sa kanya, walang dahilan ang pamumulitika sa lungsod dahil kanyang nakikita ang dedikasyon at determinasyon ni Mayor Oca na lalong maging maayos at maunlad ang Caloocan at ang ebidensya d’yan ay ang kabi-kabilang imprastraktura at commercial buildings.


Wala naman talaga tayong masasabi rito kay Mayor Oca. Aba eh, mahigit isang taon pa lang siya sa puwesto pero dalawang malalaking gusali na ng University of Caloocan City ang naipatayo nito sa north and south Caloocan.


‘Di lang iyon, finally nakumbinse n’ya ang may-ari ng SM at ngayon ay kasalukuyang itinatayo ang three-storey mall sa Sangandaan at next year ay ang mas malaking ‘SM City’ na itatayo mismo sa lugar ng nasunog na Gotesco Grand Central Shopping Mall.


At para mas siguradong magiging maayos ang daloy ng trapiko at ang takbo ng ekonomiya, inuna naman nitong si Cong. Egay ay ang pagpapaayos ng mga kalsada, lalo na roon sa malapit sa mga gusali ng UCC at sa gagawing SM malls, bukod pa sa matinding drainage improvement sa mga pangunahin at secondary road sa lungsod.


O ‘di ba panalo ang lungsod at ang residente sa triumvirate na ito?


Sana gayahin din sila ng ibang opisyal sa ibang lugar, ang eleksyon, ika nga, isang araw lang ‘yan. Hehe! GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO


.. Continue: Remate.ph (source)



TRIUMVIRATE


No comments:

Post a Comment