Monday, November 24, 2014

Sarah, itatanan at pakakasalan na ni Matteo sa Cebu

KAY Matteo Guidicelli na mismo nanggaling na twice a week sila kung magkita ng girlfriend na si Sarah Geronimo. So malinaw na this time ay ‘di na pwede kay Sarah ang pangingialam ng kanyang Mommy Divine pagdating sa kanyang lovelife.


Dapat lang dahil matagal na panahon din namang nagtiis si Sarah bago siya naging malaya sa kanyang ina at ama. Saka wala namang dapat na ikabahala itong si Donya Divine rito kay Matteo dahil bukod sa magbubuhay reyna ang loving daughter ay nasa mabuti pa itong kamay dahil behave nga ang actor.


Ang maganda pa sa relasyon ngayon nina Sarah at Matteo ay nagagawa nang manindigan ngayon ng Pop Star Princess at talagang mukhang ipaglalaban na nito hanggang sa huli ang nobyong hunk.


Early this year ay planado na ang pagsama ng singer-actress kay Matteo sa Cebu para suportahan ito sa competition ng kinahihiligang sports na Triathlon na kinasasakupan ng swimming, biking at marathon. Matatandaang dahil sa busy schedule ni Sarah ay hindi ito nakasama sa laro ni Matteo a few months ago na ginawa rin sa Cebu kaya’t babawi raw ito ngayon sa kanyang gwapong mayamang bf.


Ito pa ang latest, in three years time ay plano na rin daw ni Matteo na pakasalan ang kanyang princess Sarah. Ano kaya ang magiging reaksyon dito ni Madam Divine at Mang Geronimo. Just asking lang gyud! WALANG KIYEME/PETER LEDESMA


.. Continue: Remate.ph (source)



Sarah, itatanan at pakakasalan na ni Matteo sa Cebu


No comments:

Post a Comment