NAPAKINABANGAN ni Bret Jackson, dating PBB: Teen Clash 2010 Housemate ang pagkaka-link kay Andi Eigenmann. Nagamit niya si Andi para mapag-usapan at upang magkaroon ng career. Ngayon ay may pelikula na silang dalawa under Viva Films.
Aminado ang Amerikanong si Bret na nanliligaw siya sa Kapamilya star. Pero sabi nitong huli, eh, kaibigan lang ang turing niya rito. Pero mukhang malayo sa katotohanan ang pinagsasabi ng ex ni Jake Ejercito dahil lagi silang magkasamang dalawa sa gimikan nitong si Jackson, sa mga event at kung saan-saan pa. Sweet na sweet sila. At sa kanilang acting workshop nga raw sa Viva ay todo-alalay ang dalagang-ina sa kanyang bagong ‘friend’ para matuto sa akting dahil hirap daw itong umarte at hindi pa masyadong magaling managalog.
***
KIM CHIU PANALO RAW SA BIDDING
Mangiyak-ngiyak si Kim Chiu sa pagkakapanalo nito bilang Best Actress sa katatapos na 28th PMPC Star Awards na ginanap sa The Ballroom of Solaire Resort Hotel in Paranaque City.
Pero may intriga sa panalo niyang ito bilang Best Actress awardee para sa seryeng Ikaw Lamang. Siya raw kasi ang highest bidder kaya siya ang nag-win.
Ang tsismis ay nagsimula sa isang tweet. 24 hours before the Awards Night, may nag-tweet na si Kim na ang mananalo dahil ito raw ang nagbigay ng malaking pakunsuwelo. Nilampaso raw nito sina Maja Salvador, Bea Alonzo, Angel Locsin, Maricel Soriano and Lovi Poe. Siya nga ang nanalo.
Well, sa lahat naman ng kompetisyon laging may nagso-sourgraping na talunan lalo na ang kanilang mga taga-suporta kaya kung ano-ano ang pinagsasabi.
Kung totoo man ang tsikang ito, na madalas naman talagang maging isyu sa mga award-giving bodies, wala namang problema dahil talaga namang magaling si Kim. At kahit sino pa kina Maja, Angel, bea, Maricel at Lovi ang manalo ay oks pa rin dahil magaling silang lahat.
***
MYMP, SUPER GANDA ANG BAGONG BOKALISTA
Kung paano na-appreciate ng publiko ang dating komposisyon ng MYMP (Make Your Momma Proud) ay ganon pa rin naman ngayon at mas iba pa nga ang dating ngayon dahil artistahin ang bago nilang vocalist na si Jana Laraza. Very proud and thankful ang founder ng grupo na si Chin Alcantara dahil sa loob nang sampung taon nila sa music industry ay heto’t alive na alive pa rin ang MYMP.
Nasaksihan namin kung paanong pagkaguluhan ang band group sa Grand Taytay Bazaar nung November 17, ang bazaar na pinakamalaki sa buong Metro Manila dahil sa sukat na 5,000 square meters in space at 600 stalls for products display. Katabi lang ito ng SM Taytay, Rizal.
Labis ang pasasalamat namin sa imbitasyon ni Ms. Almed Garcia ng Backroom dahil maliban sa nag-enjoy kami sa pakikinig sa mga awitin ng MYMP, napakamasyal din kami sa malawak na Bazaar na open pa rin para sa mga gutong mag-rent ng stall.
For more information, please call: (0906) 356 4998 and 0920) 131 7507 ask Glennie of Grand Taytay Bazaar.
***
AYOS NA ANG PAGPASOK NI WILLIE SA GMA
Hindi nakapagtatakang mailipat ni Willie Revillame ang kanyang programang Wowowillie show sa GMA Network mula sa TV5 na galing naman sa ABS-CBN na Wowowee.
Aba’y mga pader ba naman sa Kapuso ang kapitan niya para tulungan siya-sina joey de Leon at Mike Enriquez lang naman. Ang sabi, nag-give daw si Willie kay Joey kaya tinutulungan siya nito?
Anyway, na-miss din namin si Papa Willie sa telebisyon. Ibang klase kasi kapag siya ang host. Kahit mag-isa buhay na buhay ang show at walang dull moment sa kanya at siya lamang ang nakapagpapaiyak ng matindi sa audience dahil sa mga istorya ng buhay ng contestant na ini-interview niya.
Ang hiling lang namin sa kanya, sana huwag siyang parating naha-highblood sa ere at iwasang magbulyaw sa kanyang mga tauhan. Kawawa ang natatalakan niya dahil parang nawawalan ng dangal ang pagkatao.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK/ABE PAULITE
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment